-- Advertisements --

Maglulunsad ng bagong interventions ang Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno at private institutions para matugunan ang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

Kabilang dito ang Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Poor projects (Projects LAWA and BINHI).

Magbibigay ang mga proyektong ito ng cash-for-training at cash-for-work para sa mgaahihirap at vulnerable sectors na apektado ng El Niño.

Kung saan ang mga benepisyaryo ay binubuo ng mga sambahayan na pinamumunuan ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, at iba pang pamilyang vulnerable sa climate change at natural calamities, base sa itinakda ng Listahanan 3 o sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-apruba ng Local Social Welfare and Development Office.

Ang bawat benepisyaryo ay bibigyan ng pagkakataong lumahok sa mga aktibidad ng Cash for training at cash for work sa loob ng 10 hanggang 25 araw na may karampatang arawang sahod batay sa umiiral na daily minimum wage sa project area.

Layunin ng mga proyektong ito ayon kay Sec. Rex Gatchalian na mapalakas ang adaptive capabilities ng mahihirap at vulnerable na mga pamilya sa panahon ng labis na tagtuyot, maibsan ang epekto nito sa food security at kakapusan ng tubig dulot ng El Niño.

Kaugnay nito, nakatakdang lagdaan ang isang memorandum of understanding sa Pebrero 22 para ilatag ang mga proaktibong hakbang para mabawasan ang economic vulnerability ng mga komunidad sa epekto ng naturang weather phenomenon. (With reports from Bombo Everly Rico)