-- Advertisements --
AICS K

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang pagpoproseso ng programa nitong Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), kapwa sa DSWD Central Office at Field Office-National Capital Region (NCR), ay magpapatuloy sa Martes Agosto 29.

Sinabi ng DSWD na ang pagtanggap ng mga kahilingan para sa pagproseso gayundin ang mga aktibidad sa payout para sa AICS ay suspendido hanggang Lunes Agosto 28.

Ito ay dahil sa deklarasyon ng suspensiyon sa trabaho sa Metro Manila at lalawigan ng Bulacan para bigyang-daan ang opening ceremonies ng 2023 FIBA ​​Basketball World Cup, gayundin sa pagdiriwang ng National Heroes Day.

Una nang inanunsyo ng DSWD na ang mga karapat-dapat na indibidwal na nag-a-avail ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay maaaring humingi ng tulong sa mga satellite office nito na pinakamalapit sa kanilang mga tirahan.

Ang AICS ay isang programang nagbibigay ng tulong medikal, burol, edukasyon, transportasyon at pangkabuhayan sa mga Pilipinong nasa krisis.