-- Advertisements --

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga botante na huwag padadala sa pangako ng mga tumatakbong barangay officials na sila ay isasama sa listahan ng 4Ps program kapag maupo sa puwesto.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, na hindi iniimpluwensiyahan ng sinumang kandidato ang listahan ng 4PS.

Dumadaan aniya sa masusi at matagal na proseso ang mga benepesaryo ng mga 4PS.

Nanawagan sila na isumbong sa kanilang opisina sakaling may mag-alok na isasama sila sa listahan ng 4Ps ang mga kandidato sa pagka-barangay.