-- Advertisements --
image 491

Nakipagpulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kinatawan ng World Bank (WB) upang talakayin ang mga programa ng bansa.

Partikular na tinalakay ang usapin ukol sa social protection programs ng Pilipinas.

Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang talakayan sa World Bank na pinamumunuan ng Regional Director for Human Development in East Asia & Pacific (EAP) Alberto Rodriguez.

Ang pagpupulong ay naglalayon na palakasin ang pagbibigay ng mga programa sa social protection para sa publiko.

Tinalakay sa pulong ang pagpapatupad ng Beneficiary FIRST Social Protection Project (BFIRST Project) at ang Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP).

Ang nasabing mga proyekto ay hakbang ng departamento upang mapangalagaan din ang karapatan ng bawat mamamayan.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa rin ng iba pang mga hakbang ang parehong panig upang matugunan at mapalakas pa ang mga proseso sa pagtugon sa iba’t ibang programa ng bansa.