Nilagdaan ni DSWD Secretary REX Gatchalian at Vice President and Secretary of the Department of Education Sara Duterte ang Memorandum of Agreement (MOA) para opisyal na ilunsad ang pilot implementation ng Tara, Basa! Tutoring program.
Ang nasabing programa ay ang reformatted educational assistance ng DSWD.
Nilalayon magbigay ng tulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa mga pamilyang mababa ang kita na nasa mahihirap na sitwasyon, tulungan ang nahihirapan o hindi nagbabasa ng mga mag-aaral sa grade school, nasa panganib, o apektado ng mga epektong dala ng pandemya ng COVID-19.
Gayundin na bigyang kakayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na maging ‘mga guro ng kanilang mga anak.
Ang tutoring program ay unang magkakaroon ng pilot implementation sa National Capital Region (NCR) sa mga lungsod ng Caloocan, Valenzuela, Malabon, Navotas, Manila, Mandaluyong, Makati, Pasay, Las Pinas, Quezon City, Marikina, San Juan, Pasig, Taguig, Paranaque , Muntinlupa at sa nag-iisang munisipalidad ng Pateros.