-- Advertisements --
Patay ang drummer ng bandang Dead Kennedys na si D.H. Peligro matapos na mabagok sa edad 63.
Inanunsiyo ng punk rock band ang pagkasawi ng kanilang drummer sa opisyal social media account nila.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon na natumba ito sa loob ng banyo sa kaniyang bahay sa Los Angeles ang drummer na si Darren Henley.
Hindi naman na naglabas pa ng pahayag ang kaanak nito dahil sa humingi ang mga ito ng privacy.
Naging drummer din si Peligro ng bandang Red Hot Chilli Peppers sa sandaling panahon.
Bumuhos naman ang kalungkutan at pakikiramay mula sa kasamahang banda ng marinig ang nasabing balita.