-- Advertisements --

LA UNION – Arestado ang tinaguriang Top 10 Provincial level drug personality sa isinagawang buy-bust operation alas-9:00 kagabi sa Barangay Biday, San Fernando City, La Union.

Kinilala ang suspek na si Jake Valdez, 28, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Poro sa nasabing lungsod.

Ang joint operation ay pinangunahan ng San Fernando City Police Station Intel Division, PIB LUPPO, at PDEA RO1.

Nakumpiska mula kay Valdez ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu na may bigat na 5 grams at nagkakahalaga ng P34,000 maliban.

Bukod dito, nakuha rin sa kanya ang isang pirasyon P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Fernando Police Station custodial facility habang inihahanda na ang isasampang kaso laban dito.