-- Advertisements --
Itinuturing ng Russia na isang pagganti sa pagpapasabog ng Crimean bridge ang ginagawa nilang drone attack sa Ukraine.
Ayon kay Russia’s Ambassador to the UK Andrey Kelin na ang isang essential na infrastructure ang ang tulay at hindi ito dapat galawan.
Iginiiit nito na alam ng Ukraine na ito ay dapat na hindi nila idamay.
Mula pa aniya noong 2014 ay matagal ng ginagamit ng Russia ang mga drones na mula sa Iran.
Hindi na dapat maging surpresa sa mga Ukraine ang ganti na ginagawa ngayon ng Russia.
Magugunitang ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na sinira na ng Iranian-made drones ang energy sector ng Ukraine.