-- Advertisements --
Sumuko na sa awtoridad ang driver na tumutok ng baril sa isang siklista, ayon yan sa hepe ng Quezon City Police District na si Police Brigadier General Nicolas Torre III.
Ayon kay Torre, “Sa loob ng… 30 minutes ay nakuha natin ‘yung tao, napa-surrender natin. Sa ngayon ay iniimbestigahan natin, nandoon sa anti-carnapping unit dahil kailangan i-verify ang plate number,”
Nauna nang nanawagan ang QCPD sa driver na sumuko sa pinakamalapit na police station matapos mag-viral sa social media ang video ng insidente noong Agosto 8.
Ayon sa nagpost ng video, traffic at sumingit sa bike lane ang red KIA. Muntikan nitong masagi ang biker, kaya naman natapik ng biker ang sasakyan nito. Rason naman kung bakita nagalit ang driver ng nasabing sasakyan.