-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nanawagan ang Capizeño driver na napagkamalan na dating commander ng Roger Mahinay Command, Komiteng Rehiyon-Negros ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NPA), na linisin na ng Police Regional Office 6 at 61st Infantry Battalion Philippine Army ang kanyang pangalan.

Nais ng nasabing driver na patotohanan na hindi siya ang nagngangalang Virgilio Paragan na may kasong murder at frustrated murder at nagkamali lamang ang mga otoridad.

Ginawa ni Baltazar Saldo alyas Asan ang demanda dahil simula nang ito ay ma-release sa kustodiya ng mga otoridad matapos nakumpirma na hindi siya ang dating kumander ng NPA, hindi pa nalinis ng PNP at Philippine Army ang kanyang pangalan.

Ayon kay Saldo, apektado ang kanyang trabaho at pamilya sa pangyayari.

Ngunit binigyang linaw nito na wala siyang planong magsampa ng kaso laban sa PNP at militar kahit na-trauma ito sa nangyari sa kanya.