-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binanatan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Duterte administration sa hindi matuloy-tuloy na pagpapatayo ng Panay-Guimaras Bridge.

Dismayado siya dahil hindi nabibigyan ng pansin ang nasabing mahalagang proyekto.

Mismong si dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ma rin kasi ang nagsabi na aatupagin ang proyekto ngunit nagbitiw lamang ito sa puwesto at hindi man lang naumpisahan ang nasabing tulay.

Naniniwala naman ang Ilonggo senator na pinag-iinitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Western Visayas dahil nakakuha ito ng mababang boto noong tumakbo ito sa 2016 Philippine presidential election.

Kaagad namang dumipensa ni Socioeconomic Planning Secreatry Karl Kendrick Chua sa pagbabatikos ni Drilon.

Ayon kay Chua, ang engineering design ng proyekto ay magsisimula pa sa Oktubre 2022 habang ang construction ang sisimulan pa sa 2025 at 2030 pa matatapos.

Ang South Korea aniya ang magpopondo sa proyekto na umaabot sa P187 billion.

Nag-usap na rin anya ang DPWH at Export-Import Bank of Korea (Korea Eximbank) para sa loan ng nasabing proyekto.