-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin si Golden State Warriors star Draymond Green sa team mate nito na si Jordan Poole matapos na masuntok nito.
Naganap ang sakitan ng dalawa sa kasagsagan ng ensayo ng kanilang koponan.
Sinabi ni Warriors General Manager Bob Myers na hindi nila kinukonsinte ang nasabing gawain kaya kinausap nila ang dalawa.
Hindi naman na nito ibinahagi kung ano ang ipinataw nilang kaparusahan sa dalawang manlalaro nila.
Magugunitang nagkasagutan ang dalawa habang nagsasagawa ng ensayo kung saan itinulak ni Poole si Green na binawian ito ng suntok.