-- Advertisements --

Muling naaresto ang ang drag performer na si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente.

Ang pag-aresto na isinagawa ng Manila Police District nitong Huwebes ay ilang araw matapos na ito ay naghain ng piyansa ng P720,000 dahil sa six counts ng paglabag sa statute on immoral doctrines , obscene publications, exhibitions and indecent shows.

Ang unang piyansa na P720,000 na binayaran ni Pura Luka ay ang unang kaso na six counts ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code (Immoral Doctrines, obscene publications and exhibition and indecent shows), in relation to Section 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) na isinampa sa Pasay City regional trial court (RTC) ng Kapisanan ng mga Social Media Brodkaster ng Pilipinas.

Habang ang bagong kaso na isinampa ay base sa warrant of arrest na inisyu ng Quezon City RTC dahil sa three counts ng parehas na kaso na inihain ng tatlong simbahan na konektado sa Philippines For Jesus Movement na siyang dahilan ng pagkaaresto niya noong nakaraang Oktubre.

Nagbunsod ang reklamo dahil sa performance nito habang nakasuot ito ng mala-Hesus Kristo na kinondina ng Philippines for Jesus Movement noong Hulyo 2023.

Oktubre 2023 ng makalaya na ito matapos makapagpiyansa at mula doon ay binago niya ang kaniyang performance.