-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si US National Institute of Allergy and Infectious Disease chief Anthony Fauci.
Inanunsiyo niya ito matapos na sumailalim sa rapid antigen test at nakaranas ng bahagyang sintomas ng virus.
Dahil dito, boluntaryo na itong nag-isolate sa kanilang bahay at babalik sa trabaho kapag gumaling na.
Dagdag pa ni Fauci, fully-vaccinated na siya laban sa COVID-19 at dalawang beses pa itong nagpa-booster shots.
Kabilang si Fauci sa patuloy na nanghihikayat sa US citizens na magpabakuna laban sa COVID-19.