-- Advertisements --
Dr. Anthony Fauci

Pinag-iingat ng mga eksperto ang gobyerno ng Estados Unidos sa muling pagbubukas ng kanilang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases, dapat isaalang-alang sa muling pagbubukas ng ekonomiya ang biological na aspeto.

Dapat pantay aniyang tinitingnan ang financial at biological aspects para maiwasan ang paglala ng sitwasyon.

Ang marapat aniyang gawin ng US government ay magdahan-dahan sa gagawing reopening ng ekonomiya para matiyak na ligtas ang publiko sa COVID-19.

Nagbabala rin si Fauci na kung patuloy ang shut down ng Estados Unidos ay tataas naman ang bilang ng mga namamatay na walang kaugnayan sa COVID tulad na lamang ng suicides, overdose, at family issues gaya ng child abuse.