-- Advertisements --

Dalawang linggo na lang ang hinihintay bago opisyal na magamit ng mga motorista ang bahagi ng Skyway Stage 3 project ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar na magagamit na ng mga motoristang bumibiyahe sa Metro Manila ang extension ng Skyway mula Buendia sa Makati hanggang Plaza Dilao sa Paco, Maynila.

Target daw ng kagawaran na matapos ang 18.68-kilometers na proyekto bago magsara ang taon.

Sa ilalim ng proyekto inaasahan na mapapaikli sa 15 hanggang 20 minuto ang biyahe patungong Balintawak sa Quezon City mula sa kasalukuyang 2-oras na biyahe.

Makakatulong din daw ito para tuluyang maalis ang karamihan ng mga sasakyan sa EDSA.