-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways na magpapatuloy ito sa paghahanap ng mga alternatibong paraan para matuloy at mapabilis ang planong rehabilitasyon ng EDSA.

Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng naging suspensyon ng EDSA rehab sa bisa ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nabatid na ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱8.7 billion.

Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, inatasan na sila ni PBBM na humanap ng ibang pamamaraan para matuloy ang proyekto ng hindi nakakaapekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa ngayon ay tinitignan aniya nila ang paggamit ng bagong kagamitan at teknolohiya mula sa ibang bansa.

Inaasahan na sa tulong ng mga ito ay mas mapapadali ang paggawa sa nasabing proyekto upang hindi maaapektuhan ang mga motorista at mga negosyo.

Hindi naman sang-ayon ang kalihim sa suhestiyon na magtayo ng 2nd level na kalsada sa EDSA dahil magdudulot lang ito ng mas matagal na panahon para matapos ang proyekto.