Naglabas ng abiso sa publiko ang Department of Publick Works and Highway (DPWH) hinggil sa naka iskedyul na road reblocking, repair ngayong weekend.
Dahil dito, inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa posibleng pagbigat ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA ngayong weekend dahil sa isinasagawang road reblocking at pagkukumpuni ng DPWH.
Batay sa advisory, nagsimula ang reblocking at repair alas-11:00 ng gabi nitong Biyernes sa mga sumusunod na lugar:
NORTHBOUND:
EDSA -Quezon City mula Aurora Boulevard hanggang sa New York St.
SOUTHBOUND:
EDSA Caloocan City bago mag-Benin St. (ika-4 lane mula sa bangketa)
Gayunpaman, inabisuhan ng awtoridad ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasang maipit sa posibilidad ng matinding trapik.
Sinabi ng MMDA na matatapos ang reblocking at repair ng DPWH alas-5:00 ng umaga sa Lunes, February 7,2022