Tinatarget ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng international standards para sa pagpapabuti pa sa transportation system sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng kasalukuyang pag-aaal ng kagawaran sa transportation system sa bansa para mas gawing convenient ito para sa mga pasahero.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na isa ito sa kaniyang inirekomenda kay President Bongbong Marcos Jr. sa huling Cabinet meeting na kanilang isinagawa.
Batay kasi aniya sa kanilang naging obserbasyon ay bahagyang hindi naaayon sa international standards ang operasyon ng transportasyon sa bansa tulad na lamang sa mga busway.
Dahil jan ay sinabi rin ng kalihim na nagpaplano ngayon ang kagawaran na magtatag ng fleet management system na titiyak naman na sapat ang bilang ng mga babiyaheng bus para sa lahat ng mga pasahero.