Magsasagawa raw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang linggong dry run para sa pagbabalik sa provincial vuses sa EDSA simula sa kagabi.
Kasunod na rin ito ng pagbibigay ng green light mula ng Department of Transportation (DoTr).
Sa isang statement, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na base raw sa Inter Agency Task Force (IATF) Resolution No. 101 patungkol sa uniform travel protocols ay magpapasok na raw ngayong Huwebes.
Dakong alas-10:00 kagabi nang pinayagan na ang muling pagbabalik ng mga provincial buses sa EDSA at magtatagal ito hanggang alas-5:00 ng umaga.
Samantala, pumirma naman ng plegde of commitment ang MMDA at representatives mula sa multi-sectoral stakeholders para mapaganda raw ang public at private transportation sa National Capital Region.
Kabilang sa mga panukalang traffic plans ang pagpapalawig ng number coding scheme at muling pagpapatupad ng truck ban policy bilang paghahanda sa tinatawag na new normal.
Magsasagawa naman daw ng serye ng konsultasyon ang MMDA para mapaganda pa nila ang traffic management sa Metro Manila.