-- Advertisements --

Hindi binago ng Department of Transportation ang kanilang deadline para sa Jeepney Consolidation deadline ng December 31.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang nasabing consolidation ay malaking tulong para maging maayos ang operasyon ng transport sector sa bansa.

Muling nilinaw nito na walang magaganap na pag-phase out ng mga traditional jeep basta ang mga ito ay sumunod sa itinakdang standard ng gobyerno.

Magugunitang inireklamo ng ilang transport group ang modernization program ng gobyerno dahil sa masyado umanong mataas ang presyo nito kumpara sa mga tradisyonal na pampasaherong jeepney.