Nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa mga transport group ng isang pakikipag-usap.
Kasundo ito sa pagkasa ng mga transport group ng isang linggong tigil-pasada mula Marso 6 hanggang 12 bilang protesta sa isinusulong ng gobyerno ng Public Utiity Vehicle Modernization Program.
Ayon sa kalihim na mahalaga ang pagkakaroon ng pag-uusap para malaman ang posisyon ng bawat panig ukol sa modernization program.
Isa sa ipinupunto ni Bautista ang kawalan umano ng representatives mula sa DOTr ng ipalabas ang nasabing kautusan na hanggang Hunyo na lamang ang pagpapasada ng traditioinal jeeps.
Inatasan na rin ni Bautista ang kaniyang Undersecretary for Road Sector na magkaroon ng koordinasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga operators ukol sa nasabing usapin.