Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) ang umano’y pagkalat ng mga hindi otorisadong beep card na ibinebenta online.
Ito ay matapos ma-monitor ng naturang ahensiya ang mga naturang paninda na kinabibilangan ng mga charms, keychains, bracelets, at iba pang accessories.
Ang mga naturang kagamitan ay ibinebenta sa pangakong maaaring gawing pamalit ng stored value cards.
Dahil dito, nagbabala ang DOTr sa publiko na huwag maniwala sa mga naturang paninda, dahil sa hindi ito otorisado ng ahensiya.
Binalaan din ng ahensiya ang mga gumagawa nito na maaari silang mapatawan ng kaparusahan.
Ang stored value card ay isang electronic card na nilalagyan ng load, at ginagamit para makasakay sa Light Rail Transit (LRT) Line 1, LRT-2, at Metro Rail Transit (MRT) 3, na pawang mga pampublikong tren ng bansa.