-- Advertisements --

Magpapakalat pa rin ang Department of Transportation (DOTr) ng mga dagdag na mga buses sa EDSA busways ganun din ang mga trains sa Metro Rail Transit Line-3 o MRT3.

Ito ay kahit na ipinagpaliban ng isang buwan ang pagsasaayos ng EDSA.

Ayon kay transportation Secretary Vince Dizon, na mayroong karagdagang 100na mga EDSA carousel buses ang idadagdag para sa mga mananakay.

Malinaw aniya ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat ay maging magaan at konbenyente ang pagsakay ng publiko.

Magugunitang ipinagpaliban ni Pangulong Marcos ang pagsasaayos ng EDSA dahil sa kailangan ang pagkakaroon ng masusing plano dahil sa inaasahan mabigat na trapiko.