-- Advertisements --

Nais ng Department of Transportation (DOTr) na bigyang prioridad ng kongreso ang pagbuo ng independent body na mag-iimbestiga sa mga nagaganap na aksidente sa mga pampasaherong eroplano.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon na kaniyang hihilingin sa 20th Congress na magbuo ng ahensiya na kahalintulad ng National Transportation Safety Board (NTSB) ng US.

Humingi rin ito ng tulong kay US Ambassador MaryKay Carlson para magkaroon ng sariling NTSB ang Pilipinas na tatawaging Philippine Transportation Safety Board (PTSB).

Magugunitang noong nakarang mga linggo ay ilang insidente ng pagkakaroon ng aberya sa ilang local na airline companies.