-- Advertisements --

Posibleng sa darating na Huwebes o Biyernes papayagan ng Department of Transportation (DOTr) na makabalik pasada ang mga “roadworthy” na traditional jeepneys.

Ayon kay DOTr Asec. Goddes Libiran, ito ang commitment sa kanila ng LTFRB matapos payagan ang mga UV Express units na makabalik sa kanilang operasyon simula ngayong araw makalipas ang ilang buwang suspensyon dahil sa Luzon-wide lockdown.

Sinabi ni Libiran na hinuli nila ang pagbabalik pasada ng mga traditional jeepneys kumpara sa ibang public utility vehicles (PUVs) dahil sa sinusunod na “heirarchy” pagdating sa load capacity.

Nauna kasing nakabalik sa kanilang operasyon sa ilalim ng gradual resumption ng mass public transportation ang mga PUVs na may malaking kapasidad.

Mababatid na nitong Hunyo 1 lamang nag-resume ang public transportation sa ilalim ng gradual calibrated basis sa mga lugar na sakop ng general community quarantine.