-- Advertisements --
JAIME BAUTISTA
DOTr Secretary Jaime Bautista

Nanawagan si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista sa publiko na iwasan ang spekulasyon na makakaapekto sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa banggaan malapit sa Scarborough shoal na nagresulta sa pagkamatay ng 3 Pilipinong mangingisda.

Ayon sa kalihim, kaisa ng kagawaran si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagan na huwag mag-speculate at hayaan ang Philippine Coast Guard na beripikahin ang mga detalye at tunay na nangyari sa banggaan noong Oktubre 2.

Maigting na makikipag-ugnayan ang DOTr sa PCG sa magiging susunod na hakbang kasunod ng imbestigasyon habang inaantay ang resulta.

Bilang bahagi ng protocol, kakalap ang PCG ng mga pahayag mula sa 11 mangingisda na nakaligtas sa banggaan.

Nitong Miyerkules, sinabi ng PCG na nabangga noong madaling araw ng Oktubre 2 ng commercial vessel ang Filipino fishing boat na natukoy na FFB Dearyn habang nakadaong sa may bisinidad ng Bajo de Masinloc sa Zambales dahilan ng paglubog ng bangka na ikinasawi ng kapitan at dalawang crew