-- Advertisements --

Lilimitahan pa rin daw ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapasakay sa mga pasahero ng LRT at MRT lines kahit ma-lift ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ito ang paglilinaw ni Transportation Sec. Artemio Tuazon Jr. sa gitna ng ipinatutupad pang ECQ at sinimulan nang general community quarantine sa ibang lugar.

Ayon sa opisyal, hanggang 160 katao kada tren muna ang maximum kapag lifted na ang ECQ. Katumbas daw ito ng 20-percent ng kabuuang kapasidad ng train system.

Sa tala ng DOTr, aabot sa higit 100,000 ang pasahero kada araw ng parehong MRT 3, LRT Line 1 at 2.

Simula ngayong araw, pwede na muling mag-operate ang mga bus at jeep sa mga lugar na GCQ lang ang ipinatutupad.