Nakikiisa ang Department of Tourism sa pagpupugay at pag-alala sa mga Pambansang Bayani na kung saan ang pagiging makabayan, katapangan, at sakripisyo ang humubog sa takbo ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon sa DOT, ito ay naging daan tungo sa mga demokrasyang tinatamasa ngayon ng mga Pilipino bilang isang bansa.
Upang ipagdiwang ang National Heroes Day, hinihikayat ng DOT ang publiko na tuklasin muli ang pamana mula sa banal na lugar ng Rizal Park, hanggang sa mga kuta, tahanan ng mga ninuno, at dambana sa mga isla at probinsya sa buong Pilipinas.
Sinabi ni DOT Sec. Christina Garcia Frasco, habang inaalala ng bansa ang pamana ng mga Pambansang Bayani, ipinagdiriwang din ang kagandahan at pagkakaiba-iba ng mga tanawin, tradisyon, at mga tao ng bansa na walang hanggan na hinubog ng katapangan ng mga Bayani.
Aniya, ang parangalan ang mga Pambansang Bayani ay ang pag-alala na ang kanilang malalim na pagmamahal sa bayan ang naging inspirasyon ng pagiging makabayan ang humubog sa ating bansa.
Giit ni Frasco na hindi lang dapat tuwing National Heroes Day dapat ding ipinagdiriwang at pinapasyalan ang mga makasaysayang lugar sa buong Pilipinas kundi maging sa araw araw upang alalahanin ang sakripisyo ng ating mga Pambansang Bayani.