Tuloy-tuloy na ang pakikipag-ugnayan ng Department of Science and Technology (DOST)-Central Luzon sa dalawang state universities sa rehiyon para makabuo ng isang proyekto na magpapalakas sa lokal na produksyon ng sibuyas.
Susubukan daw ng dalawang state universities ang applicability at effectivity na tinatawag na smart agricultural technologies para makamit ang ayunin sa proyekto.
Ayon kay DOST-3 Senior Science Research Specialist Marites C. Batac, isa sa mga teknolohiya, ay ang pagbuo at pagpapatibay ng isang multi-layer recirculating hydroponics indoor farming system para mapanatili ang produksyon ng sibuyas.
Naglaan na ng pondo ang DOST at makakatuwang nila sa proyekto
Ang Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) at Center for Sustainable Mechanized Agriculture for Research and Technology (SMART) sa Tarlac Agricultural University (TAU).










