-- Advertisements --
image 146

Inumpisahan na ng Department of Science and Technology(DOST) ang paglinang sa tuluyang paggamit ng artificial intelligence o ang kontrobersyal na AI system.

Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum, naumpisahan na nila ang capacity building sa mga researchers ng DOST sa ilalim ng analytics at AI.

Ito ay upang magkaroon ng sariling kasanayan at local talent ang Pilipinas sa ilalim ng naturang sektor, at hindi lamang nakadepende sa teknolohiya ng ibang bansa.

Sa ilalim ng training, sinabi ng Pamunuan ng DOST na isa sa kanilang nais na paggamitan ng AI dito sa Pilipinas ay ang mga sumusunod.

1. pagproseso ng satellite images para sa flood hazard maps
2. robotics technology
3. Paggamit ng mga unmanned vehicle na magagamit sa pagtatanim o agri-sector.
4. pagbuo ng sariling bersyon ng bansa ng katulad sa kontrobersyal na ChatGPT.

Ang chatGPT ay isang language processing tool na ginagamitan ng AI para makagawa ng human-line statements.

Ayon sa DOST, puspusan din ang kanilang pag-aaral para rito, kasama ang mga eksperto at researchers ng buong kagawaran, dahil sa potensyal ng nasabing sektor.