Hiniling ni Sen. Francis Tolentino sa Department of Science and Technology na palaguin ang produksyon ng tamban sa Pilipinas.
Ayon sa Senador, ang naturang programa ay maaaring isa sa magpapatibay sa food security ng bansa.
Paliwanag ng senador, sa kasalukuyan ay mayroong 438 na kasalukuyang proyekto ang DOST para mapatatag ang food security sa buong bansa, kayat nararapat lamang na isama ng ahensiya ang pagpapatatag sa nasabing industriya sa kanilang pokus.
Ang isdang tamban ay ang pangunahing isda na ginagamit sa pilipinas sa paggawa ng mga de-latang isda.
Ayon kay Tolentino, ang de lata o mas kilalang sa tawag na sardinas ay ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino, lalo na sa mga panahon ng kalamidad.
Inihalimbawa ng Senador ang mga pag-aaral na nagawa ng BFAR sa bahagi ng Pangasinan ukol sa mga fingerlings ng bangus.
Hinikayat din ng Senador ang mga eksperto ng DOST na bumuo ng mga tamban fish hatchery kung saan maaaring maaalagaan ang mga fingerlings ng ng naurang isda.
Naniniwala ang opisyal na ang naturang hakbang ay lalo pang magpapalakas sa supply ng pagkain sa bansa.