-- Advertisements --

Nakatakda nang umalis ng Pilipinas ngayong buwan ang aktres at dating video jockey na si Donita Rose.

Ito’y sa gitna ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic sa bansa kung saan tila nagpahiwatig ito na nahihirapan na sa sitwasyon.

Ayon sa 45-year-old half Pinay actress, naibenta na niya ang karamihan ng kanyang mga gamit para mag-migrate muli sa Amerika.

Sa pagtantya ni Donita, isang taon ang kailangan niyang gugulin para sa bagong simula lalo na sa paghahanap ng trabaho.

“The plan is to migrate back. I have sold a lot of my items. I will be staying in San Francisco… let’s see. I’m giving myself a year to kind of establish myself and look for a job and all that. If it works out, then I’ll be there close to the family. Kasi lahat ng family ko, nasa Amerika,” saad nito.

Taong 2015 nang nagbalik sa Pilipinas si Donita kasabay ng usap-usapang nagkakaproblema ang pagsasama nila ng asawang kapwa Fil-Am na si Eric Villarama.

Kanya rin namang kinumpirma ang paghihiwalay sa sumunod na taon dahil sa aniya’y “character flaws” at “character issues.”

Una na siyang binigyan ng despedida party ng mga close friends sa show biz kabilang sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, at Vina Morales.

Donita Rose 4