-- Advertisements --

Balik na sa kanyang game ang Los Angeles Lakers big man na si Anthony Davis makalipas ang 30 games na hindi paglalaro bunsod ng right calf at heel issues.

Pero sinalubong naman siya ng kabiguan nang masilat sila ng Dallas Mavericks, 115-110.

Nanguna sa opensa ng Mavs si Luka Doncic na kumamada ng 30 points.

Ito na ang ika-32 panalo ng Mavs.

Ang Lakers naman ay nasa 35-24 kartada.

Nilimitahan lamang ang inilaro ni Davis na umabot sa 17 minuto sa first half half kung saan nakatipon siya ng four points sa 2-of-10 shooting.

Meron din siyang apat na rebounds at dalawang sablay sa free throw.

Halatang kalawangin pa sa kanyang mga tira si Davis pero pagdating naman sa depensa ay puring puri ito ni coach Frank Vogel.

Si LeBron James ay hindi pa rin nakakabalik sa kanyang games.

Samantala, sa kabila ng panalo ng Mavs inaasahang magiging sakit sa kanilang ulo ang pagkawala ng kanilang big man na si Kristaps Porsingis dahil sa posibleng injury.

Inilabas ito sa third quarter at hindi na nakabalik pa.