-- Advertisements --
Ibinunyag ni Donald Trump Jr na ang kaniyang X (dating Twitter) account ay nabiktima ng hackers.
Sinabi nito na hindi siya ang mga nagpadala ng mga Tweets tungkol sa pumanaw na umano ang ama nito na si dating US President Donald Trump.
Bukod pa dito ay nagpadala ang mga hackers ng iba’t-ibang tweets tungkol kay US President Joe Biden at North Korea.
Dahil diot ay umani ng batikos sa nasabing social media platform dahil sa mga ipinadalang tweets ng hackers.
Ipinagpaalam na nito ang nasabing problema sa nasabing social media company.