Napanatili ni Nonito Donaire Jr. ang kanyang WBA (Super) Bantamweight World Championship at pumasok sa WBSS Bantamweight Tournament Finals matapos na i-knock out si Stephon Young.

Anim na round lamang ang itinagal ng bakbakan nina Donaire at ng American na si Young.

Naging agresibo si Donaire sa halos lahat ng round kaya nagtagumpay sa kanyang hangarin na dipensahan ang hawak na titulo.

Si Young, na siyang naging last-minute replacement para sa injured na si WBO Bantamweight World Champion Zolani Tete ng South Africa, ay nagpakita rin naman ng kanyang galing sa itaas ng ring subalit walang panama sa beteranong boksingero.

Malakas na mga jab kasi ang pinakawalan ni Donaire dahilan kung bakit maagang natapos ang bakbakan nila ni Young.

-- Advertisement --