-- Advertisements --
Isasara sa publiko sa loob ng dalawang araw ang Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong panahon ng Semana Santa.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), isasara ang beach ngayong araw Abril 6 ng Maundy Thursday at 7 Good Friday.
Ito ay bukas naman sa publiko sa Black Saturday at Easter Sunday mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Ang Manila Baywalk Dolomite Beach ay isang P389 million beautification project ng Department of Environment and Natural Resources.
Kung matatandaan, ito ay unang binuksan sa publiko noong Setyembre 2020.
Ang 500-meter beach project ay binatikos ng mga environmental group, na tinawag itong environmental hazard at pag-aaksaya ng pera ng nagbabayad ng buwis sa gitna ng COVID-19 pandemic.