Pinag-aaralan pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang petisyon ng mga grupo ng manggagawa ng taas sahod sa National Capital Region.
Base sa petisyon na inihain ng grupong Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa (Kapatiran) na humihirit sila ng P100 na dagdag sa mga daily minimum wage sa NCR.
Isa sa dahilan nila ay ang mabilis na inflation at ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na pag-aaralan ng kanilang wage board at titignan nila ang pagbalanse sa mga may minimum na sahod.
Sa panig naman ng Employers Confederation Of The Philippines (ECOP) na mayroong 10 porsiyento pa ng mga manggagawa ang makikinabang dahil ito lamang ang bilang ng mga kumikita ng minimum na sahod.
Sakaling ipatupad ito ay maaaring magresulta ito sa pagkatanggal sa trabaho ng mga empleyado ng micro, small, at medium enterprises.