Mariing pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakita nilang compliant ang ABS-CBN Corporation sa labor laws at standards.
Sa isang statement, sinabi ni DOLE na binabatikos nila ang pagtatangka ng mga abogado at opisyal ng ABS-CBN para linlanging ang Kamara para makakuha ng prangkisa.
“We also take strong exceptions to claims that the department has found ABS-CBN compliant with labor laws and standards, and that we approve of the seasonal work status for the broadcast firm’s program employees,” saad ng DOLE.
Ginawa ng kagawaran ang paglilinaw na ito matapos na mabalita na isang opisyal ng DOLE ang nagsabi umano sa pagdinig ng Kamara noong Lunes na tumutugon ang ABS-CBN sa labor law at standards sa bansa.
Sa halip, kinumpirma ng DOLE na fully compliant ang ABS-CBN sa direktiba na kanilang inilabas sa naturang network hinggil sa mga umano’y paglabag sa labor standards at occupational safety.
“The facts bear us out. Our labor inspectors found violations of laws and standards by ABS-CBN. And on account of those findings, the company took steps to correct those infractions,” saad ng DOLE.
Iginiit ng DOLE na hindi nila palalampasin ang usapin na ito.










