Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer ukol sa tamang pasahod sa mga empleyado sa Agosto 21 hanggang Agosto 28.
Maalalang unang inilabas ng DOLE ang Labor Advisory no. 17 series of 2023, na siyang basehan para sa pasahod dalawang nabanggit na araw: Agosto 21 bilang Ninoy Aquino Day habang Agosto 28 bilang National Heroes Day.
Para sa Agosto 21 na deklarado bilang special non-working holiday, nakasaad sa naturang labor advisory na paiiralin ang ‘No Work, No Pay’ policy.
Gayonpaman, kung papasok ang isang empleyado sa nasabing araw, dapat siyang makatanggap ng karagdagang 30% sa unang 8 oras sa kaniyang arawang sweldo, bukod pa sa karagdagang 30% kada oras sakaling mag-overtime.
Para sa Agosto-28, kailangang mabayaran ng “double pay” ang mga emplyedong papasok sa araw na ito sa kanilang unang 8 oras ng pagtatrabaho, bukod pa sa karagdagang 30% ng daily wage kapag nag-overtime.
Pero kung nataon na day-off ng mga empleyado, at siya ay pinapasok, kailangang makakatangap siya ng 30% ng kaniyang arawang sweldo bukod pa sa double pay na kaniyang matatanggap.
Matatanggap din niya ang karagdagang 30% pa ng kaniyang suweldo sa kada oras na overtime.