-- Advertisements --
DOLE

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang charge o kaltas ang mga tulong pinansyal na ibinibigay ng ahensiya sa mga benepisyaryong manggagawa.

Kabilang sa mga inisyatibong ito ang mga proyekto na ginagawa kasama ang ibang mga ahensiya ng gobyerno at mga pribadong kompaniya.

Inisyu ng ahensiya ang naturang paalala para maiwasan ang scams.

Sa advisory na inilabas ng DOLE, sinabi nito na libre at walang anumang fee ang lahat ng programa at serbisyo ng ahensya may kinalaman sa pamimigay ng pondo sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Accredited Co-Partner (ACP).

Nanindigan din ang DOLE sa zero-tolerance policy nito laban sa anumang mga indibidwal na aabuso sa programa ng DOLE para sa personal na kapakinabangan.

Kabilang na dito ang paghingi ng fees at kickbacks o anumang mga aktibidad na makakasira sa interes ng benepisyaryo.

Babala pa ng DOLE na sinumang mapatunayang lumabag sa guidelines ng ahensiya ay agad na mapapawalang bisa ang accreditation nito o malalagay sa watch list.

Umapela din ang ahensiya sa publiko na iulat ang anumang pang aabuso o paglabag sa kanilang programa sa pamamagitan ng kanilang Hotline na 1349 o sa kanilang tanggapan