-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na payagan ang mga workplaces na gawing vaccination site para maging mas accessible sa mga empleyado na ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ito ni DOLE Undersecretary Benjo Santos Benavidez matapos na pitong botika at clinics sa National Capital Region (NCR) ang pinayagan ng pamahalaan na makapagturok ng primary doses at booster shots sa harap ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na ang programang tinaguriang “Resbakuna sa mga Botika” ay naglalayong makapagturok ng 3,500 shots sa buong pilot run nito mula Enero 20 hanggang 21.

Ayon kay Benavidez, ang mga hakbang na katulad na ito ay ginagawa kasunod na rin nang pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy ng Department of Transportation na nagbabawal sa mga hindi pa bakunado na makasakay sa mga pampublikong sasakyan maliban na lamang kung ito ay para sa medical at essential na dahilan.