May tulong na inilaan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga employers sa bansa para maibigay sa tamang panahon ang mandatory 13th month pay ng kanilang empleyado.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, na ang mga maliliit na negosyante ay maaring makahiram sa Small Business Corporation (SBC) ng DTI.
Maituturing na small business ang isang negosyo kapag mayroong 40 o pababa ang kanilang empleyado.
Mayroong hanggang P15,000 ang maipapahiram ng SBC para sa 13th month pay ng bawat empleyado.
Noong nakaraang taon kasi ay mayroong hanggang P12,000 ang nakayanan na ipahiram ng SBC sa mga small business.
Dagdag pa ng kalihim na walang anumang collateral ang hihilingin ng nasabing SBC.
Nagpatuloy ang nasabing programa ng DTI dahil sa karamihan sa mga nakahiram ay nagbayad ng tama sa oras.