DAVAO CITY – Sa halip na magsilbi sa kanyang pasyente sa ospital, deretso sa kulungan ang isang doktor na una nang naharang ng mga tauhan ng Task Force Davao sa Sirawan, Toril nitong lungsod.
Nakilala ang suspek na si Dr. Juan Arindaying Yuhico Jr., 61-anyos, tubong Iloilo City, pero kasalukuyang naninirahan sa Blk. 13 Lot 8, Green Hills Subdivision, Catalunan Pequño nitong lungsod.
Sa isinagawang inspeksyon sa checkpoint , narekober sa kanyang posisyon ang mga ebidensiya na kinabibilangan ng isang medium size ng shabu namay timbang na 0.95 gram.
Nakumpiska rin ang limang improvised glass tube tooter na may laman na shabu, kulay pula na coin purse, at sasakyan na ginamit nito.
Nakakulong na ang doktor sa Toril Police station habang ang mga narekober mula sa kanya ay isusumite sa DCFU XI, Ecoland, Davao City para sa laboratory examination.
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.