-- Advertisements --
CEBU CITY – Inaalam na ng Cebu City Fire Department ang dahilan ng pagkasunog ng isang bahay sa Barangay Sambag 1, sa Lungsod ng Cebu kagabi.
Mabilis na rumesponde ang mga bombero matapos makatanggap ng alarma at itinaas din agad sunog sa second alarm.
Naapula naman agad pagsapit ng hatinggabi ang malaking sunog sa bahay na pagmamay-ari ni Dr. Glenda Mayol-Neri.
Natagpuang walang malay ang may-ari ng bahay na si Dr. Neri gayundin ang kasama nito na kinilalang si “Francisca” at dinala agad sa pagamutan ngunit binawian na rin ng buhay.
Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro, umabot sa P4.8 million ang halaga ng naitalang pinsala matapos na totally burned ang bahay.
Aabot sa tatlong pamilya ang naapektuhan sa trahedya.
















