Inihayag ng Department of Justice nitong Huwebes na wala pa itong natatanggap na anumang opisyal na komunikasyon mula sa International Criminal Court kaugnay ng umano’y arrest warrant laban kay Senador Christopher “Bong” Go.
Sa isang pahayag, sinabi ni DOJ Spokesperson Polo Martinez na beripikado ang impormasyong ito sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) kaninang alas-diyes ng umaga.
Ayon kay Martinez, ang naturang warrant ay dapat direktang ipinadadala sa PCTC.
Aniya, dapat itong direktang ipadala sa PCTC bilang bahagi ng mandato nito na kontrolin at pigilan ang mga transnational crime.
Ito ay matapos igiit ni Davao City Representative Paulo “Pulong” Duterte na ipinaalam umano sa kanya ng isang “highly reliable source” na may inilabas na mga warrant laban kay Go at sa dalawang dating opisyal ng pulisya.
Samantala, pinabulaanan din ng Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police , at National Bureau of Investigation ang mga pahayag ng alkalde.
















