-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na uusad ng bukod ang mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa Pilipinas sa kabila ng arrest order ng Central District of California judge laban dito.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, may magkaibang complainant sa mga kaso at hindi ito makakaapekto ng direkta sa isa’t-isa.

Wala ring nakikitang problema si Sec. remulla kung hihiling ng tulong ang Estados Unidos para sa extradition process dahil may treaty naman ang ating bansa sa kanila.

Nabatid na ang mga kaso ni Quiboloy sa Pilipinas ay matagal nang nakabinbin, ngunit kamakailan lang nabaliktad ang resolusyon na una nang nagrerekomenda para iabswelto ang self proclaimed son of god na si Quiboloy.

Pakikilusin din ang National Bureau of Investigation (NBI) kung kinakailangan. (With reports from Bombo Dennis Jamito)