-- Advertisements --

Plano ng Department of Justice na ireklamo sa Supreme Court ang apat na judges sa Las Piñas na nagpalaya sa mga dayuhang manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility na sinalakay ng mga otoridad noong Hunyo.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla na naglabas ng habeas corpus petitions ang apat na judges sa Las Piñas dahil sa pagpapalaya sa mga dayuhang empleyado ng POGO.

Inatasan na rin ng kalihim ang Bureau of Immigration na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga judges na dahil sa gross ignorance of law na naglabas ng habeas corpus petitions ng walang anumang colatilla.

Tinutukoy ni Remulla ang colatilla na ang mapapayagang lamang ang habeas corpus kapag iligal ang pagkakakulong sa mga ito.

Magugunitang nasa mahigit 2,000 mga POGO workers ang naaresto ng mga otoridad noong Hunyo at mahigit kalahati sa kanila ay mga dayuhan.