-- Advertisements --
image 689

Nirerepaso na ng Department of Justice (DOJ) ang immigration procedures kasunod ng natanggap na reklamo mula sa mga pasahero na naabala dahil sa umano’y abusive behavior ng Bureau of Immigration (BI).

Binigyang diin din ng ahensiya ang kahalagahan ng isinasagawang kampaniya laban sa human trafficking sa pangunguna ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) kayat ganun na lamang kahigpit ang mga kawani ng immigration.

Sa kasalukuyan, nasa proseso na aniya ang inter-agency council sa pagrepaso sa Departure Formalities at nakikipag-ugnayan na tin sa Immigration Bureau at iba pang stakeholders para mabawasan ang abala dulot ng Departure Formalities sa mga biyaherong Pilipino.

Ayon sa DOJ dahil sa striktong implementasyon ng departure formalities, nasa 6,788 mula sa mahigit 1.05 million Pilipino ang hindi pinayagan ng Immigration bureau na makaalis ng bansa mula noong Enero hanggang Pebrero ng kasalukuyang taon.

Kasabay ng paghingi ng pang-unawa ng DOJ sa publiko sa abalang idinulot ng pagkaantala ng kanilang biyahe sa labas ng bansa, tiniyak ng ahensiya na kanilang iniimbestiagahan ang umano’y labis o hindi angkop na asal ng ilang immigration officers.

Una rito, ilang mga pasaherong Pilipino ang nagreklamo matapos na ma-offload ang mga ito at na-miss ang kanilang flight dahil sa sobra-sobrang pagtatanong ng mga immigration officer.