-- Advertisements --

Nakipag-ugnayan na ang Department of Justice sa Pasay City government matapos ang pagkakaaresto ng nasa 600 na mga dayuhan na ginagamit sa sex trafficking at online scam operations.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla, na ang nasabing gusali ay nag-ooperate bilang pogo subalit ng kanilang lusubin ay tumambad na ginagawa itong sex trafficking den.

Iniisang kinakausap ng residential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga naaresto na bukod sa mga Filipino ay mga Chinese, Koreans at Vietnamese ang mga ito.

Sakaling may paglabag na nakita ang DOJ ay maaring maharap sa kaso ang sinumang opisyal ng lungsod.